Nonito Donaire Jr. handa nang sumabak sa finals ng WBSS
Ni: STEPHANIE MACAYAN
ANG FINALS ng World Boxing Super Series Bantamweight kung saan makakalaban ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang Japanese juggernaut na si Naoya “The Monster” Inoue ay nakatakdang gaganapin sa Nobyembre 7 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Narating ni Donaire ang finals matapos niyang talunin si Ryan Burnette via technical knockout nang ito ay bumagsak at nagkaroon ng injury sa 4th round, at sa semifinals naman ay napalitan niya si Zolani Tete na nagdala sa kanya sa finals.
Si Inoue naman ay nakarating sa finals matapos talunin ang tatlong kalaban, dalawa rito via knockout.
Simula ng boxing career
Hindi naging madali ang pag-akyat ni Donaire sa tagumpay kaya sa kanyang pagsikat, nagsilbi siyang inspirasyon sa marami.
Bata pa lamang ay miserable na ang kaniyang buhay. Bukod sa siya ay laging nabu-bully sa kanilang eskwelahan, siya din ay madalas nabubugbog mula ng kanyang istriktong lolo hanggang siya ay lumaki.
Naging mas mahirap pa ang naging buhay niya nang dalhin ng kanyang ama ang buong pamilya sa Amerika. Ang bullying na naranasan niya noong siya ay nasa Pilipinas pa lamang ay naging mas matindi pa roon. Kaya nang siya ay tumuntong ng 11 anyos, kinumbinsi siya ng kaniyang ama na mag-aral ng boksing para sa kaniyang self-defense.
Naging professional boxer siya sa edad na 18, at ngayon siya ay isa na sa mga sikat na world champion.
Ano naman kaya ang saloobin ni Donaire na ngayon ay isa na siya sa mga tinitingalang boxer?
“Gratitude, something that I didn’t have as I was becoming more successful,” sabi nito sa isang interbyu.
“But now each day I say thank you, each night I say thank you. I’m thankful for each day that I’m alive, that I get to see my kids, that I get to hug my wife. I get to spend time with my sons and see them grow up.
“Before, every time that I would wake up in the morning to go to the gym, it was a struggle, it was work. I had to drag my feet to get out of bed to go to the gym. I’m always complaining, Oh God, this is gonna suck. Now I’m like, I’m thankful to be in this gym, I’m gonna make the most of it.’” dagdag niya.
Binansagan na ‘Real Monster’
Ang makakalaban ni Donaire sa finals ng WBSS sa Nobyembre ay ang Japanese superstar na si Naoya Inoue na binansagang “monster” at kailan lamang ang Ringstar Sports CEO ay binansagan si Donaire na “Real Monster” matapos inanunsyo at pag-usapan ang nangungunang final showdown sa World Boxing Super Series (WBSS) sa Tokyo.
Si Schaefer ay dating former Swiss banker na naging CEO ng Golden Boy Promotion na promoter ni Donaire. Sinabi niya na “still working on it” ang WBSS ngunit naka-set na ang date at lugar.
Ayon naman kay Donaire pinanatili niya ang hubog at kondisyon ng kaniyang katawan habang naghihintay ng mahabang proseso at negosasyon para sa gaganaping finals ng WBSS; patuloy na nagwo-work out siya sa gym.
“The WBSS put together an amazing tournament and concept for boxers,” sabi niya.
“I appreciate them including me and giving me the opportunity. A fight against Inoue is a fight that needs to be done to determine the best in the division,” sabi ni Donaire.
Ayon kay Donaire inaasahan niya na ang finals ng WBSS ay magaganap sa katapusan ng buwan ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang issue kaya ito ay naantala. Pinaubaya niya kay Schaefer, ang WBSS co-founder, na siya ay gabayan sa pagpili ng desisyon na makabubuti sa kaniyang career.
Si Inoue, 26, ay kilala bilang “kaibutsu,” na ang ibig sabihin sa ingles ay “monster.” Kilala rin siya bilang “mini Mike Tyson” dahil sa lakas nito pagdating sa knockout. Ang kaniyang record ay 18-0, may 16 knockouts. Ang huling laban ni Inoue ay natapos lamang sa 441 seconds o 7 ½ minuto sa apat na rounds. Tatlo sa biktima ng kaniyang knockout ay ang mga Pinoy na sina Crison Omayao, Jerson Mancio and Warlito Parrenas. Ngayon ay hawak niya ang regular WBA at IBF bantamweight titles.
Si Donaire at Inoue ay parehong mga world champion.
Si Donaire, 36, ay mayroong IBF/IBO flyweight, interim WBA superflyweight, WBO superbantamweight at WBA featherweight titles bukod sa WBC/WBO bantamweight crown.
Si Inoue naman ay mayroong WBC lightflyweight at WBO superflyweight titles bago ang annexing regular WBA/IBF bantamweight diadems. Samantala, mas bata ng 10 taon si Inoue kay Donaire, ngunit mas maraming karanasan si Donaire kung saan may 45 na siyang laban samantalang 18 naman ang kay Inoue.
“I think Nonito’s the real monster in the bantamweight division. No one can beat him at 118. He’s too strong for anyone to take his power,” sabi ni Schaefer.
Mayroong 26 knockouts si Donaire, kasama ang apat sa limang laban sa bantamweight. Isa sa mga kamangha-manghang knockout win niya ay ang second round disposal ng Mexican na si Ferdinand Montiel para sa WBC/WBO bantamweight title sa Las Vegas noong 2011.
Ano naman kaya ang saloobin ni Donaire ngayong tuloy na tuloy na ang finals ng WBSS sa Nobyembre?
“I am looking forward to the finals in Japan and a great fight,” giit niya sa isang interbyu na nilabas ng BoxingScene.com
“I have fought several world champions, and I will come well prepared. Inoue is an amazing fighter, but I saw flaws in the semifinal, and I think I can definitely create a game plan against him and win the (Muhammad) Ali trophy,” aniya.
Ano naman kaya ang mensahe at masasabi ni Inoue kay Donaire?
“I can’t wait for the final,” sabi ni Inoue.
“Donaire is to me a legend in the sport of boxing, and I am honored to be sharing the ring with him in the final. But I will do my very best to win against the legend to claim the Ali trophy.”