HUMATAW ang football star na si Cristiano Ronaldo sa naging match ng team Portugal kontra sa Lithuania sa qualifying game para sa 2020 European championship.
Nai-angat ni Ronaldo ang kaniyang koponan matapos makapag-goal ng apat na beses sa 5-1 victory score ng Portugal.
Sa unang half pa lamang ng game ay nagpasiklab na si Cristiano at pinakawalan ang karagdagang tatlong puntos sa second half.
Samantala naitala ni William Carvalho ang 5th goal at tinapos ang game.
Ito na ang ikalawang beses na nagwagi ang team Portugal matapos magbukas sa Group B.
Umangat na rin ang koponan sa second place ng standing with 8 points.