Ni: STEPHANIE MACAYAN
KASABAY ng anibersaryo ng 1990 Luzon earthquake ang paglunsad ng mobile application na HazardHunter na pinangunahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga lugar na hazard-prone.
Ang HazardHunterPH ay bumubuo ng assessment reports sa lokasyon ng gumagamit, mayroon itong summary ng seismic movements o paglindol, volcanic, at mga hydro-meteorological hazard. Mababasa rin dito ang mga rekomendasyon at eksplanasyon tungkol sa mga panganib.
Ibig sabihin ang gumagamit ng app na ito ay makikita ang napiling lokasyon at malalaman agad kung ito ba ay binabaha o malapit sa active fault at iba pang mahalagang impormasyon.
Kailangan lamang i-type ang lokasyon sa search bar ng HazardHunterPH sa mobile o website, at doblehin lamang ang click o i-tap sa mapa upang pumili ng lokasyon.
Ang hazard assessment report ay makikita pagkaraan lamang ng 15 segundo, kasama ang mga trivia tungkol sa lindol at iba pang mahahalagang impormasyon.
Sa isinagawangg 39th Cabinet Meeting sa Malacañang Palace noong Hulyo 1, in-aprobahan ni President Rodrigo Duterte ang dalawang mobile app na maaaring magamit ng gobyerno upang makolekta ang mga datos para sa environmental hazard at agarang makapagresponde sa kalamidad.
“(These technologies were) approved by the President and the Cabinet,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Sabi niya na isa sa mga teknolohiya ng GeoRisk Philippines Initiative ay nangangailangan ng mas maayos na pagkuha ng datos para sa environment hazards.
“It is an integrated system or database where one can map or locate hazards in a specific location and view it on an application called the Hazard Hunter Philippines,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Panelo na ang isa pang mobile application ay ang Situation Data Mapper na tumatanggap ng “real time assessment on a situation and can provide analysis for high level decisions for disaster response.”
Ayon sa DOST nire-rekomenda nila na lahat ng Local Government Units ay magbigay ng update at datos ng hazard information ng bawat sakop na lugar upang mapalawak ang sistema.