POL MONTIBON
KABILANG sa pinag-aaralan ng pamunuan ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas o SBP ang pagkuha ng European Coach para sa Philippine Basketball Team.
Ito’y para paghandaan ang nalalapit na FIBA World Cup 2023 bilang ang Pilipinas ang isa sa tatlong bansa na magho-host ng nasabing pinakamalaking basketball championship event sa mundo.
Ayon kay SBP President Al Panlilio, malaki ang potensiyal ng foreign coaches dahil sa malawak na karanasan ng mga ito pero hindi pa rin naman isasantabi ng pagkuha sa mga pinoy coaches nauna nang nilinaw ni Panlilio na hindi magiging madali ang gagawing konsiderasyon sa mga ipapasok na opisyal at atleta kasama na ang coaches na magiging kinatawan ng bansa sa FIBA world cup.
Tiniyak din ng pamunuan ng SBO na gagawin nito ang lahat na maipakita ang magandang performance ng buong Philippine delegation kumpara sa mga nauna nang world performance ng bansa pagdating sa larangan ng basketball.