JHOMEL SANTOS
NAIS paimbestigahan sa Kamara ang implimentasyon ng Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance o GCTA matapos lumutang ang posibilidad ng paglaya ng convicted murderer at rapist na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez gamit ang nabanggit na batas.
Sa inihaing House Resolution 260, nais ni Ako-Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na suriin ng kamara in-aid of legislation kung natutupad ng batas ang itinatakda ng implementing rules and regulations ng batas.
Nais ding paimbestigahan ng mambabatas ang pananagutan ng mga opisyal na nag rekomenda kay Sanchez na mapalaya gamit ang GCTA.
Aniya, mahalaga na malaman ang screening process na dinadaanan ng mga bilanggo upang maiwasan ang nangyari sa kaso ni Sanchez.