MJ MONDEJAR
KUMPIYANSA si House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na tatanggapin ng Senado ang ipinasang bersyon ng Kamara na 2020 General Appropriations Bill.
Ani Ungab, kumpiyansa ito dahil natitiyak niya na walang pork barrel, lump sum o anumang confidential funds ang nakapaloob sa 2020 GAB. Bukod dito, sinabi rin ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman Joey Salceda na “faithful copy” ng National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management (DBM) ang inaprubahan sa komite na committee report ng GAB.
Samantala, mga “institutional amendments” lamang ang ipapasok sa deliberasyon sa plenaryo o yung mga hirit na dagdag na pondo ng ahensya. Nagpahayag naman ng kahandaan ang kamara na mag-overtime ng budget deliberations kahit sa mga araw ng Huwebes at Biyernes kung saan walang scheduled plenary session para maipasa lamang “on-time” ang 2020 budget bill.