STEPHANIE MACAYAN
Nangungunang analyst ng Apple na si Ming-Chi Kuo ng TF Securities ay sinabing ang tatlong 2020 iPhone models ng Apple ay magkakaroon ng 5G upang makipagsabayan at kumpetensya sa mga 5G Android devices.
Hindi pa man naglalabas ng opisyal na anunsyo ang Apple patungkol sa kanilang 5G smartphone na plano sa publiko, si Kuo ay naglabas ng sulat sa mga investors na ang Apple ay nagpa-plano na sa buong 2020 iPhone portfolio at su-suportahan ang 5G connectivity nito.
Ayon kay Kuo, ang layunin ng Apple ay matiyak sa kanilang consumers na may option ito na kayang makipagkumpetensya sa mga murang Android phones na sumusuporta sa 5G.
Nagdagdag pa siya ng dalawa pang rason kung bakit bibigyan ng Apple ang pinakamababang modelo nito, ang Apple ngayon ay may mas madami ng mapagkukunan upang mapalawak ang ganitong teknolohiya, salamat sa kamakailang pagkuha ng modem chip division ng Intel, at makakatulong ito sa pagbuo ng AR ecosystem nito.
“Apple has more resource for developing the 5G iPhone after the acquisition of Intel baseband business,” sabi ni Kou sa kaniyang note. “We expect that the prices of 5G Android smartphones will decline to $249–349 USD in 2H20,” dagdag pa niya, “consumers will think that 5G is the necessary function” sa oras na ito ay mailabas na.
Sa taong ito ay inaasahang makikita ang paglulunsad ng mga 5G smartphones kasama ang Huawei’s Mate X, Samsung’s S10 at Galaxy Fold, at Motorola’s Moto Z3.
Kahit na ang Apple ay malayo mula sa unang kumpanya na nag-aalok ng 5G-supporting device, kapag naglulunsad ito sa susunod na taon magkakaroon ito ng pinaka-komprehensibong linya ng produkto sa industriya.
Ang 5G ay isang mas mabilis na teknolohiyang wireless network na nagsisimula pa lamang makilala sa United States.