ISANG Japanese national ang nagpa-tattoo sa mata o yung tinatawag na eyeball tattooing kung saan nilalagyan ng tinta o kulay ang puting bahagi ng mga mata. Ayon sa kanya ay simbolo ito ng self-identity o self-expression bilang tao.
Ngunit hindi ito nirerekomenda ng mga espesyalista dahil bukod sa maselan, ito rin ay delikado sa kalusugan. Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga tattoo artist na hindi maari mag pa-eye tattoo Sa kung kanino lamang. Dapat ang gagawa nito ay tattoo artist na may sapat na kaalaman sa pag-tatattoo bago gawin ang eyeball tattooing.