INAASAHANG aabot naman sa 2 milyon ang makakapagparehistro para sa 2020 BSKE.
TROY GOMEZ
MAHIGIT 800,000 aplikasyon na para sa voters registration ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa may 2020 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mula August 1 hanggang August 24, umabot na sa 802,926 ang bilang ng mga nag-apply na bagong botante.
Nasa 507,743 sa mga ito ay mga regular voters o 18 anyos pataas habang 232,183 ay Sangguniang Kabataan voters o edad 15 – 17.
Ang voters registration ay tatagal hanggang sa Setyembre 30 at tumatakbo mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang mga holidays mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.