POL MONTIBON
HALOS kalahati na ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line-7 o MRT-7 ang nakumpleto na.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 47.21 percent nang kompleto ang MRT-7 construction.
Target ng DOTR na pagsapit ng 2021 ay makukumpleto na nila ang may 22-kilometrong habang linya ng tren, na siyang magkokonekta sa Quezon City at San Jose del Monte, Bulacan.
Sa sandali aniyang mangyari ito ay mababawasan na ang travel time sa naturang ruta na mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras ay magiging 35 minuto na lamang.