Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte
Charlie Nozares
ITINUTURING ng Malakanyang na matagumpay ang limang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, “successful and highly productive” ang pakikipagpulong ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping kung saan inungkat nito ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.
Ito ay sa kabila na ibinasura lamang ni President Xi ang desisyon ng permament court of arbitration na pumapabor sa Pilipinas sa pagmamay-ari sa West Philippine Sea.