JIMMY MENDOZA
IKINAALARMA ng World Animal Protection ang natanggap na report na sa ilang bansa sa Asya ay dumaranas ng ASF outbreak gaya ng Pilipinas, dahil sa pagkalat ng sakit na dumapo sa mga baboy.
Kaya’t nanawagan ang World Animal Protection sa mga opisyal ng pamahalaan at publiko na sundin ang international standards sa pagkontrol ng kumakalat na sakit ng baboy ang African Swine Flu/Fever o ASF.
Ayon kay Mark Dia, Global Farming Director sa World Animal Protection, ang ASF viral disease ay nakaapekto na sa tinatayang isandaang milyong baboy sa buong mundo.
Ikinaalarma ng naturang grupo ng animal charity ang natanggap na report na sa ilang bansa sa Asya na dumaranas ng ASF outbreak gaya ng Pilipinas, ay nilulunod, sinusunog o binabaon ng buhay ang mga baboy na apektado ng ASF dahil sa mas lalong kakalat ang sakit.
Kaugnay nito, sinabi ng WAP na kailangang maimbestigahan ang illegal practice na ito nang pagkontrol sa ASF.