PANGULONG Rodrigo Roa Duterte
TERRIJANE BUMNALAG
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na alalahanin ang kasaysayan at tularan ang kabayanihang ipinamalas ng mga ninuno para matamasa ang kalayaan ng bansa.
Sa mensahe ng pangulo sa National Heroes Day, sinabi nito na ang sama-samang sakripisyo ng mga bayani ang naging dahilan kung bakit natatamasa ng bansa ang kalayaan.
Ayon sa Pang. Duterte, hindi lamang ang pagbibigay pagkilala sa mga bayani ang dapat na gawin kundi ang pagtulong na rin sa mga mahihirap sa kahit sa maliliit na mabuting gawain.
Nanawagan din ang punong ehekutibo sa mga Pilipino na gawing proud ang ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagiging “everyday heroes” na tumutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga napabayaan ng lipunan.
Naniniwala ang pangulo na kaya ng bawat Pilipino na maging bayani sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
Hinikayat din ng pangulo ang sambayanang Pilipino na itaguyod ang pagkakaisa at panatilihin ang ating momentum tungo sa positibong pagbabago hindi lamang para sa ating sarili, kundi para na rin sa mga susunod na henerasyon.