ADMAR VILANDO
MULING nagpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari.
Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go, nagpulong sina Pang. Duterte at Misuari sa Davao City noong weekend.
Kasama rin sa pulong si Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. na una nang nagsabi na may “personal” meeting siya kay Misuari.
Sa ngayon ay wala pang inalalabas na detalye ang Malacañang ukol sa pinag-usapan nina Pang. Duterte at Misuari sa nasabing pulong.
Ito na ang ikaapat na beses na pagpupulong ng chief executive at ni Misuari ngayong taon kung saan nagkita ang dalawa noong February 25, March 19 at July 9 sa Malacañang.