MARGOT GONZALES
Tinutulan ng dalawang lider sa senado ang panukala ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipagbawal sa EDSA ang mga private cars tuwing rush hours.
Ayon kay Senate Pres. Tito Sotto hindi pinag-isipang mabuti ni Erice ang naturang panukala. Mas makakainam aniya para sa Metro Manila Development Authority na ipagbawal ang pag park ng mga sasakyan sa lahat ng kalye sa Metro Manila mula 5am hanggang 10 pm para hindi na kailangan pang dumaan ng mga private cars sa EDSA.
Tinawag naman ni Senate Pre Tempore Ralph Recto na isang crazy idea ang suhestyon ni Erice. Giit ni Recto ang mga may-ari ng mga private cars ang nagbabayad ng napakalaking buwis tulad ng excise, duties, vat at road taxes na umaabot sa daan daang bilyong piso kada taon.