LAYUNIN ng ‘No Home Work Policy’ ay ‘No Home Work Policy’ ay upang mabigyan ang mga studyante ng mas maraming oras sa kanilang pamilya.
Ulat ni: Melrose Manuel
PINAG-AARALAN na ng Department of Education (DepEd) ang panukalang batas sa Kamara na layong ipagbawal ang pagbibigay ng takdang aralin simula Kindergarten hanggang High School sa weekends.
Ang panukala ay naglalayong mabigyan ang mga studyante ng mas maraming oras sa kanilang pamilya.
Ayon sa DepEd, ang objective sa pagbibigay ng takdang aralin ay para sa karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral at mapunan ang mga araw na walang pasok.
Sa katunayan ay may umiiral ng polisiya ang DepEd simula taong 2010 na hindi na magbibigay ng homework sa mga public school sa elementary students.
Nakasaad din sa panukala na maaring mabilanggo ng dalawang taon at magmulta ng P50,000 ang mga gurong hindi susunod sa ‘No Home Work Policy’ sakaling maging batas ito.