SEN. Risa Hontiveros
HANNAH JANE SANCHO
Isinagawa na sa unang pagkakataon sa senado ang deliberasyon para sa panukalang magkaroon na ng diborsyo sa Pilipinas.
Sa opening statement ni Senate Committe on Women Chair Risa Hontiveros ay sinabi nitong makasaysayan ang naturang pagdinig para mabigyan ang mga kababaihan ng pangalawang pagkakataon para sa pag ibig at makapagsimula muli mula sa pang aabuso at depression na naranasan ng mga ito mula sa isang failed marriage.
Sa kabila nito iginiit ni Hontiveros na ang panukala ay pro marriage, pro-family at pro-children.
Pero para naman kay Atty. Aldwin Salumides Coalition of Concerned Families of the Ph. na ang diborsiyo ay hindi kailanman magpapanalo sa mga kababaihan o pamilya sa isyu ng mga failed marriages sa halip ay mas marami pa aniya ang magiging biktima nito mula sa miyembro ng pamilya.
Naniniwala rin si Salumides na ang isang kasal o ang matrimonya ay itinakda ng Diyos at hindi dapat sirain o wakasan dahil lang sa mga hindi napagkakasunduang bagay sa isang pamilya.
Kaugnay nito, naniniwala si Sen. Hontiveros na may pag-asa nang maipasa ang panukalang absolute divorce o desolution of marriage ngayong 18th congress.