NANATILI pa ring “excellent” ang satisfaction rating ng War on Drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa second quarter ng 2019, 84 percent na mga Pinoy ang “satisfied” sa kampanya laban sa iligal na droga habang 12 percent ang “dissatisfied” at 6 percent ang “undecided”.
Dahil dito, umabot sa positive 70 o “excellent” ang Net Satisfaction Rating ng War on Drugs ng Administrasyong Duterte kapareho ng nakuha noong unang quarter ng taon.
Nakasaad sa survey na ang pangunahing dahilan ng pagiging kuntento ng mga Filipino sa drug campaign ay ang pagbaba ng drug suspects.
Habang ang pangunahing dahilan naman ng mga hindi nasisiyahan ay ang patuloy pa rin aniyang paglaganap ng drug trade at drug suspects sa kabila ng kampanya.
Isinagawa ang survey mula June 22 hanggang June 26 ng 2019 sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.
HANNAH JANE SANCHO