JAMES LUIS
ITINANGHAL bilang FIFA Player of the Year sina Lionel Messi at Megan Rapinoe kamakailan.
Panalo ang both Argentinian and Spanish football star sa male category at ang American Female football icon para naman sa women’s category.
Isang surpresa naman na naungusan ni Messi para sa parangal si Virgil Van Dijk na tinanghal na UEFA’s Player Awardee noong nakaraang buwan.
Habang pinag-lalabanan naman ni Messi at Van Dijk kung sino ang mananalo para naman sa Ballon d’Or na nakatakdang i-anunsyo sa December 2.
Samantala, naungusan naman ni Rapinoe ang kapwa World Cup winner na si Alex Morgan at si Lucy Bronze ng England para sa titulo.
Magugunitang panalo din kamakailan si Rapinoe ng Golden Ball sa World Cup bilang Best Player sa torneyo.