MANILA Mayor Isko Moreno
MARGOT GONZALES
IPINAGMALAKI ni Manila Mayor Isko Moreno ang malaking pagbabago sa lungsod sa unang isandaang araw nito sa puwesto.
Sa City Development Council Convention 2019 sa PICC Manila, inilahad ni Moreno ang mga naging accomplishment nito simula ng siya’y maupo.
Kabilang dito ang massive clean-up operations sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan tulad ng Divisoria, Claro M. Recto Avenue, Plaza Miranda, Bluementritt, Rizal Avenue at clean up drives sa mga heritage area tulad ng Andress Bonifacio Shrine.
Naitatag din ni Moreno ang isang bagong Manila business one stop shop para mapadali ang pagkuha ng business permit o business transactions ng mga Manilenyo.
Nabibiyaan din ang mga senior citizen ng monthly pension na nagkakahalaga ng 500 pesos kada buwan at birthday gift kasama ang isang birthday cake para sa pagsapit ng kanilang kaarawan.
Sa ilalim din ng first 100 days ni Moreno ay napirmahan ang ordinansa na magbibigay ng trabaho sa mga PWDs sa mga fast food chain.
Kaugnay nito, hinikayat ni Moreno ang mga Manilenyo na makiisa sa kaniyang hangarin sa halip na isiping namumulitika lamang siya.