ADMAR VILANDO
SISIMULAN nang ipatupad ng MMDA sa susunod na buwan ang bagong mall operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, simula Nobyembre 11 ay 11:00 na ng umaga magbubukas ang mga mall.
Habang nakadepende naman sa pamunuan ng mga mall ang oras ng kanilang pagsara.
Sinabi ni Garcia na layon ng pagbabago sa mall hours na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan tuwing panahon ng kapaskuhan.
Pinaalalahanan din ng MMDA ang mga mall operators na iwasan ang magtakda ng mall sales sa weekdays para maiwasan ang masikip na daloy ng trapiko lalo na sa mga malls na malapit sa EDSA.