NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
ANG pagbibigay pasasalamat at pagpupuri ay mga sakripisyong hinihiling ng Ama sa Kanyang mga mamamayan ngunit ito ay nangangailangan ng may taos-pusong pag-ibig o ito’y magiging kagaya ng batingaw na umaalingawngaw. Inibig natin Siya sa ating bibig lamang ngunit ang ating mga puso ay malayo sa Kanya. Anumang bagay na nagnanakaw sa inyo ng pag-ibig sa Panginoon sa inyong puso, ito ay alisin. Huwag hatiin ang inyong puso sa anumang ibang bagay. Ito’y dapat ay taos-pusong para sa Ama lamang.
Ito ay binabanggit sa Mga Taga-Filipo 2: 9-11
(9) Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, at Siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
(10) Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
(11) At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Katapatan sa trono ng Panginoon
Pasalamatan ang Ama na Kanyang ipinagkatiwala sa Hinirang na Anak ang Kanyang pangalan at Kanya ring ibinigay ang pangalan na iyan sa inyo. Kahit na kayo ay mga Mamamayan ng Kaharian, kailangan ninyong maging matalino sa paggapi sa mga gawain ng kaaway. Maging matapat sa Kanya.
Kung kayo ay kasama ng Anak, maging kasama ng Anak 100 porsiyento. Hindi maaaring kasama kayo ng kaaway at sa parehong panahon ay sa Anak. Hindi ‘yan maaari. Kung kayo ay nasa kaaway, sa kaaway kayo maging kasama. Maging kasama kay Satanas na si Lucifer ang demonyo. Kahit na maglilingkod kayo sa Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak o huwag ninyo na ako paglilingkuran, dahil hindi kayo makapaglilingkod ng dalawang panginoon.
Ibigin ang Panginoon ng buo ninyong puso, dahil ‘yan ang hiniling sa atin. Ang prinsipe ng tagapamahala ng mundong ito na gumagawa sa pamamagitan ng sistema ng anti-christ ay binubulag ang mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng pag-upo sa kanyang sarili bilang huwad ng Dakilang Ama.
Pagbubunyi sa mga gawain ni Satanas na si Lucifer ang demonyo
Narito ako dahil aking ibinunyag ang Kanyang mga gawain na subukang palitan ang Panginoon sa inyo. Kaya mayroon akong espirituwal na rebolusyon upang gapiin siya sa gawaing iyan. Ngayon, ginawa nating Panginoon na ating Hari at ating Panginoon na nakatuon lamang sa Kanyang Kalooban. Kaya siya ay naibunyag, hindi na tayo panginoon sa ating sarili at dumarami na ang bilang ng mga tao na kagaya natin.
Ating tinalo si Satanas sa baytang ng rebolusyong espirituwal na ‘yan. Alam niyo ba kung ano ang kanyang ginagawa? Kanyang pinapalitan ang Panginoon sa inyo, hindi dahil sa kayo ay naliwanagan. Kanyang pinapalitan ang Panginoon sa modernong teknolohiya –ang inyong internet, ang inyong smartphone, ang inyong mga cellphone. Iyan na ngayon ang bagong panginoon na inyong sinasamba at hindi ninyo ito nalalaman dahil siya ay isang dakilang manlilinlang.
Maraming mga magagandang bagay sa internet at siguro kalahati dito ay puro mga mabubuti. Maraming mga kotasyon ng mga Salita ng Panginoon na naroroon. Bagaman, ang pinasabog na kasama niyan ay mga kasamaan, iyan ang mga ahente ni Satanas na lalansihin at lilinlangin kayo. Sa katagalan, susupsupin nila kayo sa sapot ng gagamba na sa hindi ninyo nalalaman ay nawawala ang inyong espirituwal na buhay.
Ipinaliwanag ito sa Mga Taga-Efeso 2:2-3
(2) Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;
(3) Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:
Lahat ng ito ay nasa internet. Subukang buksan ang inyong internet at subukang maghanap ng mabubuting mga bagay.
Kagaya ng ito ay binanggit sa 2 Mga Taga-Corinto 4:4
(4) Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila’y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
(Itutuloy)