SAAN ang inyong puso? Ako, bilang isang Hinirang na Anak, nalalaman ko kung kayo ay nagsasamba ng walang katotohanan. Iyan ang sinasabi ko sa lahat ng mga mang-aawit at sa lahat ng bawa’t isa dito sa Kaharian. Huwag gawing pangkaraniwan ang ating pagpuri at pagsamba, dahil kailangan ito ay taos sa puso na may pag-ibig.
Inibig ba ninyo Siya higit sa lahat ng bagay? Inibig ba ninyo ang Ama at ang pagsunod sa Kanyang Kalooban higit pa sa anumang bagay? Kung ganoon, ang inyong pagsasamba ay magiging napakahusay. Dagdag nito, ang kaaya-aya na pagsamba ay kabilang ang kahandaan.
ANG PANALANGIN AT PAG-AAYUNO
Pinaghandaan natin ang pagsamba sa pamamagitan ng pag-aayuno. Nakasaad ito sa Isaiah 58: 3-4.
3 Ano’t kami ay nangangayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? Ano’t aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.
4 Narito, kayo’y nangangayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangangayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.
Kapag tayo ay nag-aayuno, nag-aayuno tayo upang maging handa sa pagsamba sa Kanya. Hindi kagaya ng mga denominasyon noon, hindi natin hinahataw, dinidebate, o pinapahirapan ang ating kaluluwa para lamang sa pagnanais natin na purihin bilang mga makatuwirang tao, mag-aayuno at magdadasal upang ang bawat tao ay makakapansin sa kanila. Para sa atin, tayo ay naghahanda para sa Thanksgiving Worship Presentation na ginagawa natin sa Linggo upang ang Ama ay maluwalhati kapag atin Siyang sinasamba sa espiritu at katotohanan na may pag-ibig na nagmumula sa ating mga puso.
ANG ESPIRITUWAL NA SAKRIPISYO
Naghahanda rin tayo para sa pagsamba sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, walang halaga kung walang sakripisyo.
Sa Lumang Tipan, ang mga hayop ang ginagamit bilang sakripisyo. Ayon sa batas, kailangan nilang mag-alay ng walang kapintasan at walang dungis na mga hayop upang magsamba sa Ama.
Bagama’t sa Bagong Tipan, kapag tayo ay lumapit upang magsamba sa Kanya, ating inihain ang ating katawan bilang hain na buhay. Ito ay isang katawan na inaalay ng buo sa Dakilang Ama, wagas, banal, at kaaya-aya sa Kanya. Siya ang nagmamay-ari sa atin. Walang sinumang nagmamay-ari sa atin ngunit Siya lamang.
Ito ay inihalimbawa sa Mga Taga-Roma 12:1
1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
At maging sa 1 Mga Taga-Corinto 6:20
20 Sapagka’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.
ESPIRITU NG PAG-IBIG, PAGSUSUNOD, AT PAG-UUNAWA
Isa sa mahalagang pagpapahayag ng pagsamba ay ang panalangin. Kapag tayo ay lumapit sa presensya ng Ama, inihanda natin ang ating sarili sa katawan, kaluluwa at espiritu.
Ito ay malalim na ipinaliwanag sa Mateo 6:6
6 Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
At sa 1 Mga Taga-Corinto 14:15
15 Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: aawit ako sa espiritu, at aawit din ako sa pagiisip.
Kapag kayo ay umawit at magdasal, kailangan ninyo itong gawin na may espiritu ng pag-ibig, pagsusunod at pag-uunawa. Minsan umaawit tayo at hindi natin nauunawaan anuman ang ating inaawit. Sa Mga Gawa 2, sinasabi ng Salita ng Panginoon, sila ay napupuno sa espiritu ng Panginoon. Kailangan nating mapuno sa espiritu ng pagsamba.
Hindi sa espritu ng patay ngunit sa espiritu ng pagsamba at pagpupuri.
Ang papuri at pagsamba na may kasamang pag-awit ng pasasalamat kaya tayo ay masayang masaya. Pagkatapos, tayo ay napupuno sa kasiyahan at kasayahan. Iyan ay kaaya-aya sa Ama. Pakawalan ang lahat ng mga pumipigil.
I Mga Taga-Corinto 14:15 huwag ninyo ‘yan kalimutan. Mga Awit 98:4-6
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga papuri.
5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga papuri ng alpa; ng alpa at ng tinig na tugma.
6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(Itutuloy)