NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
HABANG ang buong mundo ngayon ay gumagamit ng modernong teknolohiya, hindi mag-o-online ang mga tao upang magbasa lamang ng Salita ng Panginoon. Ano ang pakay nila doon? Nag-o-online sila para sa lahat ng mga kasamaan na nasa internet: pita ng laman, pita ng mata, pagmamalaki sa buhay –nandoon lahat ang mga ito. Ang espirituwal na digmaan ay nangyayari at si Satanas na si Lucifer ang demonyo ay naghahanap na makakakuha ng lugar sa pamamagitan ng kanyang mapanlinlang na pamamaraan.
Ito ang sinasabi sa Salita ng Panginoon sa 1 Pedro 5:8, “Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuugal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.”
Sino ang siyang sumila ngayon? Sinisila niya ang mga alinlangang mga pag-iisip, ang mga millennial, mga kabataan patungo sa kanyang sapot ng kasinungalingan. Kanyang pinupukaw ang kanilang kuryosidad at bawat isa sa kanila ay sinisipsip sa sapot ng gagamba.
Binabanggit dito sa Efeso 6:12, “Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.”
Sakaling samantalahin tayo ni Satanas, hindi tayo ignorante sa kanyang mga pamaraan. Isa sa kanyang mga kapamaraanan ay ang pagsipsip sa inyo sa pamamagitan ng modernong teknolohiya upang ilagay ninyo ang inyong puso at pag-ibig doon. Nais niyang panghinaan kayo sa espirituwal na buhay hanggang sa kayo’y maglalakad sa katayuan ng isang tao ngunit kayo ay isang hayop sa loob.
DESTRUCTIVE ALTERED MENTAL NEGATIVITY
Ang digital na pagkasira sa ating espirituwal na buhay ay nasa linya. At ito ay ang Destructive Altered Mental Negativity (DAMN), marami ang nalansi sa bitag ng kasinungalingan at kapahamakan. Ang internet ay naging kasangkapan ni Satanas sa pamamagitan na kungsaan kanyang isinahihimpawid ang kanyang propaganda at mga maling impormasyon. Nagdadala siya ng kalituhan patungkol sa anumang ating pinaniniwalaan upang kanyang mapaikot-ikot ang sangkatauhan. Kaya may mga pekeng balita patungkol sa akin.
Nang ako ay nasa ibang bansa, lumabas ang isang pekeng balita: si Pastor nasawi sa isang aksidente, at marami pa, at ang mundo ay nagsasabi, “Paano ito nangyari?” “Saan na siya ngayon?” Ang bawat tao ay nalito nang ako ay dumating at nangangaral. Akala nila ibang tao na ako at kanila lamang kinopya ang aking mukha. Iyan ang gawain ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Kanyang ginagamit ang modernong teknolohiya upang gawin ‘yan, paikot-ikutin ang sangkatauhan.
Ipinaliwanag ito dito sa 2 Taga-Tesalonica 2:10-12,
b-10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.
b-11 At dahil dito’y ipinadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
b-12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
Ang mga demonyong iyan na narito sa mundong ito ngayon ay dating mga anghel lahat at ngayon, sila ay mga demonyo. Kaya kailangan ang inyong dedikasyon at paninindigan ay buo na may pag-iisip na nagsasabing, “Ang aking puso ay buo na, ang aking isipan ay nakapagpasya na,” at ang kahusayan sa katapatan.
Titingnan natin ang pagsamba sa diyos-diyosan sa panahon ng impormasyon. Binura ng lipunan ng internet ang lahat ng hangganan kasama ang ating malalim na pandama ng pagsasamba sa nag-iisang buhay at tunay na Panginoon lamang. Nang ang mga kagawian sa online ay tumatahas sa ating mga puso at pag-ibig patungo sa karibal na mga ‘panginoon,’ tayo ay nagkasala ng pagsamba sa diyos-diyosan na siyang ikinalulungkot ng Dakilang Ama, at sumisira rin sa ating mga kaluluwa.
Maging maingat dahil ito ang bagong panginoon ng kapanahunan. Binubura nito ang lahat ng mga hangganan. Kaya sinabi ko sa inyo na ang bagong relihiyon ng buong sanlibutan ay ‘www.com’ Iyan ang bagong relihiyon, ang karibal na panginoon. “Pastor, ibig sabihin hindi kayo gumagamit ng internet?” Gumagamit ako ng internet upang maipalaganap ang Salita at upang kontrahin ang anumang ginagawa ng demonyo sa pamamagitan ng internet.
PAGSASAMBA SA NAG-IISANG TUNAY NA PANGINOON
Nang kinuha ang Israel mula sa pagka-alipin, sila ay may mga maliliit na panginoon na dala nila mula sa tribu ng Pagano sa paligid nila. Mayroon silang mga maliliit na nilalagay nila sa kanilang mga bulsa, kapag sila ay nag-iisa, kanila itong kukunin at ilagay sa ibaba ng mesa at sambahin ito.
Sa Salita ng Panginoon, sinasabi nito sa Exodus 20:3-5
b-3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
b-4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.
b-5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t kong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
Nangangahulugan ba ‘yan na kailangan ay hindi kayo gagamit ng kompyuter o ng inyong mga cellphone? Maaari kayong gumamit sa mga ito, ngunit huwag sambahin ang demonyo sa kompyuter, mga cellphone maging ng internet. Gagamitin lamang ito para sa mabuting paggamit at huwag mangangalunya rito.
Nakikipaglaban ako laban sa demonyong ito at maging ang pinakamalapit sa akin ay iniwan ako. Kaya ako ay nangangaral ngayon, dahil natagpuan ko ang demonyo ay gumagamit ng internet upang kunin ang espirituwal na buhay mula sa inyo at bilang isang pastol, hindi ko hahayaan na gawin ‘yan.
(Itutuloy)