NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
SA Kaharian, mayroon tayong Revolution of Excellence. Ang pinakamahusay sa pagpupuri ay nagsimula sa loob dahil idinulot ito mula sa mga mananamba na naisilang muli sa espiritu ng pagsunod sa Kalooban ng Ama. Ito ang pagsamba na katanggap-tanggap sa Kanya at ikinalulugod niya sa inyong puso.
Ipinaliwanag ito ng mabuti sa 1 Mga Taga-Corinto 13:1-13:
1 Kung ako’y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa’t wala kong pag-ibig, ay ako’y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
2 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay wala akong kabuluhan.
3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
4 Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
5 Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
6 Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
7 Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
8 Ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
9 Sapagka’t nangakakakilala tayo nang bahagya, at nanganghuhula tayo nang bahagya;
10 Datapuwa’t kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.
11 Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nag-iisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
12 Sapagka’t ngayo’y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; Nguni’t pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo’y nakikilala ko ang bahagya, nguni’t pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
13 Datapuwa’t ngayo’y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pag-ibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Anuman ang Kalooban ng Ama, ‘yan ang dapat na maging priyoridad. “Mahal po kita Ama anuman ang mangyari. Kung nais ninyong itapon ko ito, itapon ko ito.” Sinubukan ako ng Ama noong ako ay nasa aking Tamayong.
Mayroon akong isang kahon ng mga larawan ng aking dating denominasyon kung saan kasama ko ang mga kabataan sa International Youth Corp. Mahal ko ang mga larawang iyon dahil palagi ko silang kasama at ang aking kasintahan ay naroroon.
Alam ba ninyo kung anong sinabi ng Ama sa akin? “Kung mahal mo ako higit pa sa lahat ng ito, sunugin mo ang mga ito.” Sinunog ko lahat ng mga larawan dahil mga alaala ko lamang ang mga ito. Sa huli, sinunog ko pati ang larawan ng aking girlfriend. Inibig ko ang Ama higit pa sa pag-ibig ko sa inyo.
Ang Lucas 22: 42-42 ay nagsasabi:
41 At siya’y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya’y nanikluhod at nanalangin,
42 na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.
“Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito. Mahal ko ang aking cellphone Ama. Mahal ko ang internet. Gayon ma’y, hindi ang aking kalooban ngunit ang Inyong Kalooban ang masusunod.” Mayroon akong koneksyon sa internet sa bahay at mayroon din akong laptop, ngunit hindi ko ito ginagamit. Ginagamit ko lamang ito sa pagtingin ng mga report. Huwag ninyong gamitin ito sa ibang layunin na masasayang lamang ang inyong oras. Sumunod sa Ama, umiwas sa bagay na ‘yan, lumuhod at magdasal na ang Kanyang Kalooban ang masusunod sa inyong buhay alang-alang sa kaligtasan ng inyong kaluluwa.
PAGWAWASAK SA MGA GAWAIN NG KAAWAY
Sinabi sa Joshua 6: 16 at 20
16 At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka’t ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.
20 Sa gayo’y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa’t ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa’t isa’y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan.
Ipinakita dito kung paano wawasakin ng pagpuri ang kuta ng kaaway. Tingnan kung paano magpuri sina Pablo at Silas sa kulungan.
Mga Gawa 16: 25-26 ay nagsasabi:
25 Datapuwa’t nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila’y pinakikinggan ng mga bilanggo;
26 At kaginsaginsa’y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa’t nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka’y nangabuksan ang lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa’t isa.
Ipinaliliwanag sa Marcos 7: 6-7:
6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.
7 Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
Kung tunay kayong sumasamba sa Ama, gagawa Siya ng milagro para sa inyo.
Kapag pinupuri ninyo Siya, tanggalin ang lahat ng mga pagpipigil na inilagay ng demonyo sa inyong puso. Na parang kayo ay isang mapagkunwari, may tinatago kayong anumang bagay. Hindi nga ninyo mabuksan ang inyong bibig at hindi kayo makapagpupuri sa Kanya. Kaya kailangan ninyong umiyak sa Kanya na may malakas na tinig at purihin Siya sa Kanyang dakilang mga gawa. (Itutuloy)