PINANGUNAHAN nina Labor Secretary Silvestre Bello III at OPAPP Secretary Carlito Galvez ang paglagda ng MOA para sa livelihood aid ng mga dating rebelde na nagkakahalaga ng P100 milyon.
MELODY NUÑEZ
LUMAGDA ng isang kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) para sa implementasyon ng P100 milyong halaga ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged or displaced worker o Tupad Fund Assistance para sa mga Moro rebel returnees.
Pinangunahan ang paglagda ng memorandum of agreement nina Labor Secretary Silvestre Bello III at OPAPP Secretary Carlito Galvez.
Ayon kay Bello, ang livelihood aid ay isang napakahalagang component para sa “normalization” sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nagpasalamat naman si Galvez sa DOLE sa malaking papel nito sa pagbibigay ng trabaho at pangkabuhayan sa mga dating rebelde.