FILIPINO pole vaulter EJ Obiena
TERRIJANE BUMANLAG
MATUTURING na isang Pinoy pride ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.
Matapos itong pumasok sa top 10 ng pole vaulting events na ginanap sa Europa.
Bukod dito, si Obiena rin ang katangi-tanging Asiano na nakapasok sa top 10.
Magugunitang ang Pinoy pole vaulter din ang kauna-unahang Filipino na nag-qualify sa inaabangang 2020 Tokyo Olympics na gaganapin sa Japan.
Sa ngayon, kasalukuyang naghahanda sa isang world championship si Obiena na gaganapin sa Doha, Qatar sa September 27.