MGA dapat malaman tungkol sa migraine at paano ito malulunasan.
NI: MARILETH ANTIOLA
MADALAS ba ang pagsakit ng iyong ulo? Naku, baka migraine na iyan.
Ang migraine na sinasamahan ng matindi at malalang pagsakit ng ulo ay karaniwan na sa mga Pilipino. Ang sinusumpong ng migraine ay nakakaramdam na parang binabayo ang isang bahagi ng kaniyang ulo. Minsan ang matinding sakit ng ulo ay nasasamahan din ng pagsusuka, at sobrang pagka sensitibo sa mga ingay o mga tunog na naririnig.
Mga sintomas
- Lumalabo ang paningin
- Matinding pagkahilo
- Pagsusuka
- Sobrang pagkasensitibo sa amoy, tunog at maging sa liwanag
- Pamumutla
- Matinding pagsakit ng sikmura
- Sobrang sakit ng ulo
- Walang gana kumain
Ito naman ang mga makakatulong at mga pangunahing lunas kapag ikaw ay inaatake ng migraine.
Mga first aid
- Uminom ng pain reliever na inireseta ng doctor
- Uminom ng isang basong tubig
- Pag-idlip ng ilang minuto o oras
Kung ikaw ay nakakaramdam ng kakaiba sa iyong ulo at nakakaranas ng matinding pagsakit nito maaring gawin ang mga paunang lunas na makakatulong sa inyo upang maibsan at mawala ang nararamdamang sakit.
Ngunit kung hindi parin nawawala matapos subukan ang mga paunang lunas mas mabuti nang magpatingin kayo sa inyong doktor o sa malapit na health center o ospital.
Ang tamang pag-aalaga sa katawan at kalusugan o ang isang healthy lifestyle ay malaki ang maitutulong para makaiwas sa migraine at sa iba pang mga karamdaman.