BARCELONA forward Lionel Messi
MELODY NUÑEZ
MULING nasungkit ng Barcelona forward na si Lionel Messi ang European Golden Shoe award.
Nitong Miyerkules nang iginawad sa top goal scorer na si Messi ang Golden Shoe dahil sa kaniyang matagumpay na individual campaign sa taong 2018-2019.
Ito na ang ika-anim na pagkakataon na nakuha ng football star ang naturang award.
Binase ang pagkakapili kay Messi bilang awardee matapos itong makapagtala ng 36 points para sa team Barca at ma-retain ng koponan ang kanilang La Liga title nitong nagdaang season.
Naungusan naman ni Messi ang kaniyang rival na si Kylian Mbappe na nakapagpuntos lang ng 33 points para sa Paris Saint Germain.