ALAMIN ang dahilan kung bakit nahihirapan agad makatulog pagkatapos gumamit ng mga gadgets.
NI: MARILETH ANTIOLA
MARAMI sa mga tao ngayon lalo na ang kabataan ay hindi na kayang mabuhay ng walang cellphone, iPad, wifi, cellular data, cable TV, computer games, at Netflix.
Netlix ang isa sa pinakakaabalahan ng ibang kabataan pagkagaling sa eskwela at kung wala silang pasok. Ganoon din ang ilang pamilya na ginagamit ang panunuod sa Netflix para sa family bonding. Ang Netflix ay kinakailangan ng account na mabibili mo na ngayon sa mga online sellers.
Wala parin kupas ang Facebook na hindi na mawawala sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao, hindi na miaalis ang paggamit nito na para bang hindi mo na namamalayan na ilang oras na pala ang nagugugol mo kaka-post, share at browse.
Ngunit lingid sa kaalaman ng gumagamit ng mga ito, may mga masamang epekto ito sa mga taong palaging exposed sa cellphone, computer at iba pang mga gadgets at madalas nagiging dahilan kung bakit sila nahihirapan matulog. Ito ay dahil sa exposure nila sa artificial light nito.
Nagkakaroon ng response ang sistema natin sa mga ilaw na galing sa mga gadgets, na ipinadadala sa utak kaya kusang nababago ang body clock ng ating katawan.
Paalala lang huwag abusuhin ang sarili at katawan dahil lang sa paggamit ng mga gadgets, gamitin ng tama at huwag sayangin ang oras kung hindi naman kailangan.
Ika nga, “hindi lahat ng sobra ay mabuti minsan nakakasama rin.”