JAMES Yap
MELODY NUÑEZ
INIHAYAG ni Rain or Shine Coach Caloy Garcia na hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si James Yap dahil sa injury.
Kinumpirma ni Coach Caloy na nakuha ni James ang groin injury sa pagkatalo nila sa Magnolia noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Garcia, na posible hanggang dalawang linggo pa bago makapaglaro ang 2-time most valuable player.
Aniya, mahirap pilitin na maglaro si James dahil baka mas lalong lumala pa ang sakit nito.
Magugunitang noong nakaraang PBA Commissioner’s Cup ay hindi ito nakapaglaro sa buong playoffs dahil sa parehas na injury.