MELROSE MANUEL
MAGLALARO pa din sa koponan ng Toronto Raptors ang Star player na si Kyle Lowry.
Ito ay pagkaraang lumagda ng extension contract deal ang manlalaro.
Nagkakahalaga naman ng $31 million para sa karagdagang isang taon sa Raptors ang napagkasunduan ng dalawang panig.
Kung titignan naman ang naging standing ni Lowry sa NBA 2018-19 regular season ay nakapagtala ito ng kaniyang career-best 8.7 assists.