EYESHA ENDAR
NANANATILI pa ring pinakamayamang lungsod sa bansa ang Makati City na may total assets na nagkakahalaga ng higit dalawandaan tatlumpung bilyong piso noong nakaraang taon.
Batay ito sa inilabas na annual financial report ng Commission on Audit para sa taong 2018.
Tumaas ang assets ng lungsod ng 34 bilyong piso mula sa 196 bilyong piso noong 2017 bunsod na rin ng ilang natapos na kalsada sa nakalipas na taon sa anim na barangay ng Sta. Cruz, Olympia, Valenzuela, Guadalupe Viejo, Pinagkaisahan at Pitogo.
Pumangalawa naman sa pinaka-mayaman ang Quezon City na may total worth of assets na higit 87 bilyong piso; pumangatlo ang Manila na may higit 40 bilyong piso; pang-apat ang Pasig City na may higit 38 bilyong piso at pang-lima ang Cebu City na may higit 33 bilyong piso.
Pasok din sa top 10 na pinakamayamang lungsod sa bansa ang Taguig City na may total worth of assets na 24 bilyong piso; Caloocan City na may 18.3 bilyong piso; Pasay City na may 18.2 bilyong pisong assets; Davao City na may 16.2 bilyong piso at Calamba City na may 12.6 bilyong piso.