HANNAH JANE SANCHO
SANG-AYON ang Malakanyang sa rekomendasyon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na sumailalim sa lifestyle check ang mga pulis sa bansa.
Kasunod ito ng pagkakasangkot ni PNP Chief Oscar Albayalde sa umano’y ninja cops.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magandang hakbang ito para mabusisi ang uri ng pamumuhay ng mga pulis.
Ayon kay Panelo, dapat ang internal affairs service ng Philippines National Police ang magsagawa ng lifestyle check sa mga pulis.