NI: CHAMPAIGNE LOPEZ
TALAGA nga namang hilig nating mga Pilipino ang pagkain ng matatamis, mula pa lang sa pagkain ng taho sa umaga hanggang sa pagkain ng matatamis na meryenda. Talagang hindi mawawala sa isang buong araw natin.
Maraming pag-aaral ang nagpatunay na ang sobrang pagkain ng matatamis ay nakakasama sa kalusugan at maari pa itong maging sanhi ng iba’t-ibang sakit.
Diabetes
Ang sakit na diabetes ay ang pangunahing sakit na nakukuha sa pagkain ng matatamis. Ang sakit na ito ay nakakamatay dahil nakakaapekto ito sa pagkontrol ng lebel ng asukal sa dugo ng tao.
Kanser
Ang labis-labis na pagdami ng cells sa ating katawan ay sakit na tinatawag na kanser. At kung mataas ang lebel ng asukal sa ating katawan ay mataas din ang posibilidad ng pagkakaroon natin ng kanser. Maari itong maging bukol o tumor sa ating katawan.
Obesity
Ang sobrang pagkain ng matatamis ay nakakadagdag ng taba na naiimbak lamang sa katawan at kapag dumami ang taba na naiiwan sa katawan ay maaring lumaki at bumigat ang pangangatawan dulot ng sobrang timbang.
Hyperactivity
Masama lalo na sa mga bata ang sobrang pagkonsumo ng asukal gaya ng mga kendi, cakes, ice cream at iba pa. Dahil sa mabilis makapasok sa bloodstream o dugo ang asukal kaya mabilis din ang pagbabago ng blood sugar level na nagreresulta sa hyperactivity.
Pagiging emosyonal o mood disorders
Isa pa sa hindi natin alam na ang pagkain ng mataas na lebel ng asukal ay nagreresulta rin sa mood disorders, depression at iba pang chronic health issues.
Kaya, bago pa man mahuli ang lahat ay iwasan na ang labis na pagkonsumo ng asukal o ng matatamis na pagkain. Hindi naman masama ang pagkain ng matatamis, huwag lamang sosobra sa tama.