GUMAMIT ng mga disinefectant para makaiwas at ligtas sa kung ano-anong mga bacteria, germs, viruses at sakit ang iyong pamilya.
NI: MARILETH ANTIOLA
LAGANAP na naman sa buong mundo ang iba’t-ibang klaseng sakit at mga epidemya gaya ng dengue.
Ngayon, naalarma ang bansa lalo na ang Department of Health (DOH) dahil noong nakaraang linggo ay may napabalitang bagong kaso ng polio, na kinakabahala na baka masundan pa ang paglaganap ng sakit na ito. Kaya hinihiling ng ahensiya sa mga magulang na ipabakuna sa lalong madaling panahon ang kanilang mga anak. Nakababahala rin maging ang paglaganap ng trangkaso dulot na rin ng pabago-bagong pahanon.
Gayunpaman, mas marapat na gumamit ng mga disinfectant upang makaiwas sa mga virus, germs at mga bacteria na maaring makapagbigay ng sakit.
Ngunit hindi sapat ang paggamit ng disinfectant kung madumi ang bahay, kaya kinakailangan pa rin na panatilihing malinis palagi ang tahanan at kapaligiran.
MGA DAPAT NA I-DISINFECT
. Mga lababo
. Banyo
. Doorknobs o Door handles
. Sofa, kama at iba pang nahahawakan
Sa tulong ng mga disinfectant mas napapanatiling malinis ang tahanan at naiiwasan ang pagdapo ng mga insekto, pagkalat ng germs, bacteria at kung ano-anong mga viruses na nauuso.
Mabibili ang mga disinfectant sa inyong malapit na supermarket sa murang halaga na halos lahat ay di-spray.
At nakakatulong ito upang mapanatiling ligtas ang bawat pamilyang Pilipino sa ano mang uri ng mga sakit.