ADMAR VILANDO
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga extortionist at mga sangkot sa pyramiding syndicate.
Sa isang talumpati sinabi ni Pangulong Duterte kapag hindi pa rin tumigil ay ipapatawag niya umano ang mga ito sa Palasyo.
Giit ng pangulo kung gaano karami ang perang dala nito ay ipapakain at ipapalunok niya sa mga ito kasama ang barya.
Kapag hindi umano maubos ay papasabugin niya ang mga ‘yagbols’ ng mga ito.
Ayon sa pangulo naiinis siya dahil kadalasan binibiktima ng mga sindikato at mga extortionist ay mga mahihirap.
Kabilang sa mga nabanggit ng punong ehekutibo ay ang operasyon ng KAPA kung saan noong Hunyo ay ipinag-utos nitong maipasara dahil sa umanoy mapalinlang na money scheme.