DISIPLINA ang higit na kailangan upang mapaliit ang tiyan at manumbalik ang kumpyansa sa sarili.
NI: MARILETH ANTIOLA
ISA ka rin ba sa mga nahihiyang magsuot ng fitted na damit at swimsuit kapag may swimming kayo sa mga pool resort at beach resort dahil ikaw ay naiilang, nahihiya at nagiging dahilan din ng pagbaba ng kumpyansa mo sa sarili dahil sa iyong malaking tiyan?
Minsan napagkakamalan pa ng iba na ikaw ay buntis at nagiging tampulan din ng tukso ng ilang mga mapang-asar na mga kaibigan.
Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga mabisang paraan na pwede mong subukan para tuluyan nang lumiit ang iyong tyan.
Magbawas ng pagkain ng kanin. Kung nakasanayan mong kumain ng tatlo hanggang apat na tasa ng kanin ay mas maiging bawasan mo ito unti-unti hanggang sa masanay ka na sa isang tasa lamang ng kanin. Mabisang paraan ito para mapaliit ang iyong tyan dahil ang kanin ay mataas sa carbohydrates na mabilis magpataba.
Bawasan ang pagkain ng maalat. Kapag naparami ka ng pagkain ng maalat ay tataba ka nang husto dahil ito ay nakakapag-trigger ng water retention sa katawan na isa sa sanhi ng pagtaba ng isang tao.
Iwasan ang pag-inom ng soft drinks at powdered juice. Ang softdrinks ay itinuturing na pangunahing dahilan ng labis na obesity dahil masyadong mataas ang sugar content nito at ganoon din ang mga powdered juices. Hindi lang ito nagiging sanhi ng pagtaba o obesity kundi maari ring magkaroon ng urinary tract infection o UTI kapag labis ang pagkonsumo ng softdrinks. Maaari rin itong maging sanhi ng diabetes.
Mag-ehersisyo. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw dahil ito ay tiyak na makakatulong sa pagtunaw ng taba sa iyong katawan lalo na sa tiyan.
Gawin ang mga paraang nabanggit at nang sa gayon ay maibalik ang dating hubog at ganda ng inyong katawan at magkaroon muli ng kumpyansa sa sarili.
Magkaroon lang ng tamang disiplina sa sarili at tiyak na maaayos mo ang kalusugan at makakamit mo ang body goals na iyong pinapangarap.