MGA trabahong puwedeng makatulong sa mag estudyante para kumita kahit nag-aaral.
NI: MARILETH ANTIOLA
ISA ang kahirapan sa buhay ang nagiging dahilan ng karamihan para tumigil sa pag-aaral, kakulangan sa pangsuporta para pambayad sa school tuition, school uniform, pambaon, pamasahe.
Maraming kabataan ang nahihirapan ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral lalo na pag sa kolehiyo na kaya ang karamihan na kabataan ay hanggang high school lang ang natatapos at pagkatapos ay naghahanap na agad ng trabaho.
Ang ibang kabataan naman ay hindi nagpapatalo sa hamon at pagsubok ng buhay na kahit mahirap sila at walang sapat na pantustos sa pag-aaral nila ay nagpapatuloy parin sila para makatapos at matupad ang kanilang mga pangarap.
Ang mga sumusunod ay ang mga partime jobs na puwedeng pasukan ng mga estudyante habang nag-aaral:
MAGING FASTFOOD CREW
Puwede kang maging crew sa Jollibee, McDonald’s, Mang Inasal, Chowking at sa iba pang mga fastfood chains. Bukod sa kikita ka ay marami ka ring matutunan at magiging kaibigan.
Sa ganitong trabaho ay dapat deretsong apat na oras ka o maluwag ang iyong schedule sa iyong paaralan. Ang kadalasang hinahanap dito ay may pleasing personality at flexible para sa cashier, kitchen at dining personnel position.
MAGING LIBRARY ASSISTANT
Ang magiging trabaho mo ay magmatyag sa mga estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan para maglista sa mga estudyanteng manghihiram ng mga libro, research paper at marami pang iba.
PAGTUTOR
Kung ikaw ay masipag magturo at maraming alam sa bawat subjects ay maaari mo itong pasukin. Kalimitan sa mga ganitong part time job ay dalawa hanggang tatlong oras lang nilalaan ng mga tutor para magturo sa kanilang magiging estudyante.
MAGING ONLINE SELLER
Isa ito sa mga patok na part time job ng mga estudyante dahil bukod sa kumita sila ay hawak nila ang mga oras nila.
Hindi madaling mag-aral bukod sa magastos ay kaakibat din nito ang pagod at stress, at lalong hindi madaling pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aaral o maging isang working student.
Kudos sa lahat ng mga working students, huwag mawawalan ng pagasa, natural lang na mapagod pero huwag kayong susuko, at huwag kayong mapapagod abutin ang mga pangarap.
Darating ang araw na lahat ng pagsisikap ninyo ay magbubunga ng tagumpay! Kaya Laban lang!