ADMAR VILANDO
HINDI umano titigil ang minorya sa kamara sa kanilang panawagan sa pagbaba sa puwesto ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.
Kasunod ito ng pagmamatigas ni Albayalde na manatili sa kaniyang posisyon hanggang sa kaniyang pagreretiro sa Nobyembre a-otso sa kabila ng kinasasangkutan nitong kontrobersya.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro patuloy nilang kakalampagin si Albayalde hangga’t hindi bumababa sa puwesto.
Sinabi ni Castro na naniniwala sila sa Makabayan Bloc na sapat ang mga testimonya ni Dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang madiin si Albayalde sa isyu ng mga tinaguriang “ninja cops”.