ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Esther Marguax Uson o mas kilala sa tawag na Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration ng Department of Labor and Employment.
Base sa inilabas ng talaan ng palasyo ng mga latest presidential appointees ay itinalaga si Uson sa posisyon nitong September 23, 2019.
Unang naitalaga bilang board member si Uson ng MTRCB noong January ng taong 2017 at pagka Mayo naman ay itinalaga sa PCOO bilang assistant secretary.
Nagbitiw sa pwesto noong nakaraang taon si Uson nang tumakbo sa eleksiyon bilang partylist representive ng AA Kasosyon Partylist ngunit hindi pinalad.
Kaugnay nito, walang nakikitang masama si Senate Pres. Tito Sotto III sa pagkakatalaga kay Mocha bilang ang bagong deputy executive director ng OWWA.
Wala ring nakikitang paglabag ang COMELEC sa pagkakatalaga sa bagong posisyon sa pamahalaan dahil sa hindi ito saklaw ng 1-year appointment ban.
HANNAH JANE SANCHO