IGINIIT ni MMDA General Manager Jojo Garcia na malabong maipatupad ang ban sa mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour.
Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni Garcia na hindi sasapat ang dami ng mga city buses na bumibiyahe sa EDSA para maisakay ang mga pasahero ng private vehicles kapag pinagbawal ito sa EDSA.
Ani Garcia, aabot lang sa 4,000 units ang city buses habang nasa 280,000 naman ang mga pribadong sasakyan o 77% na private cars ang mga bumibiyahe sa EDSA.
Dahil diyan, kakailanganin pa ng karagdagang 4,000 bus units para maisakay ang mga gumagamit ng pribadong sasakyan.
Matatandaan na ipinanukala ni Caloocan City Rep. Edgar ang total ban ng mga private cars sa EDSA tuwing rush hour sa umaga at gabi sa layunin na maging massive public transportation highway ito at mabilis na mapick-up ang mga pasahero sa daan.
MJ MONDEJAR