WELCOME development ang pagpapalaya ng Iran sa isang Pinoy seaman na kabilang sa crew ng isang British- flagged oil tanker na natengga sa nabanggit na bansa mula pa noong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez, positibo ang development dahil magbibigay ito ng pag-asa sa iba pang Pinoy seaman na nakakulong pa rin sa nasabing bansa.
Samantala, nauna nang lumiham si Gonzalez kay Iranian Ambassador to the Philippines, Ambassador Tanhei para sa seguridad at mabilis na paglilitis sa natitira pang 12 Pinoy seamans na nakakulong ngayon sa Iran.
Ani Gonztalez, positibo naman ang tugon ni Ambassador Tanhei sa kaniyang liham at tiniyak na nasa maayos na kalagayan ang mga detained Pinoy seafarers doon.
Sa huli, umaasa ang mambabatas na maipapasa na sa lalong madaling panahon ang inihain niyang Magna Carta for Seafarers Bill na layong isulong ang proteksyon ng mga Pinoy seaman.
MJ MONDEJAR