MJ MONDEJAR
NAIS ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones na ipasuspinde o hindi kaya ay pababaan ang singil sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa matinding traffic na nararanasan ng mga motorista doon.
Katunayan, inahin ni Aragones ang House Resolution No. 428 na humihimok sa operators ng SLEX na pagbigyan ang kaniyang panawagan.
Ayon kay Aragones, hindi makatarungan para sa mga motorista na magbayad ng tamang halaga ng toll rates sa kabila ng problema sa traffic sa SLEX dahil sa patuloy na konstruksyon ng Skyway Extension.
Punto pa nito, dapat mapag-usapan ang mga win-win solution sa pagitan ng mga motorista at ng operator kaya dapat magkaroon dito ng negosasyon.
Posible namang talakayin sa kamara ang resolution pagkatapos ng recess ng kongreso sa November 4.