CRESILYN CATARONG
PINABORAN o pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang motion for leave of court to file demurrer to evidence ng online news site na Rappler at ng CEO nito na nahaharap sa kasong cyberlibel.
Nakasaad sa isang pahinang kautusan na nilagdaan ni Judge Rainelda Estacio-Montesa na nakitaan niya ng merito ang mosyon ng Rappler at ng CEO nito na si Maria Ressa.
Sa ilalim ng motion for leave of court to file demurrer to evidence ay pinayagan ng korte ang petitioner at ang prosekusyon na maghain ng demurrer to evidence sa loob ng sampung araw at matapos nito ay magiging submitted for resolution na ang kaso.
Nag-ugat ang kasong cyber libel na kinakaharap ng CEO ng Rappler na si Maria Ressa dahil sa isa sa mga artikulong lumabas sa Rappler noong 2012 matapos na isinulat ng dati nitong reporter na si Reynaldo Santos na ipinagamit ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang sasakyan nito kay noon ay Chief Justice Renato Corona noong panahon ng impeachment hearing.