UAAP MVPĀ Terrence Romeo
LUIS JAMES
MANANATILI pa rin sa koponan ng San Miguel Beermen si Terrence Romeo.
Ito ay makaraang lumagda ang UAAP MVP ng three-year contract extension deal na tatagal hanggang 2022.
Labis naman ang pasasalamat ng manlalaro sa panibagong tiwala aniya na ibinigay sa kanya ng koponan.
Dahil dito, sisikapin aniya ni Romeo na makatulong sa laban ng koponan sa abot ng kanyang makakaya.