PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa
ADMAR VILANDO
NANANATILING kontrolado ng Philippine National Police ang sitwasyong pangseguridad ng bansa.
Ito ang tiniyak ni PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa matapos masawi ang ISIS leader na si Abu Bakr Al-Bagdhadi sa operasyon ng Amerika sa Northwest Syria.
Ayon kay Gamboa, bagama’t pinawi ng militar ang posibilidad na gumanti ang mga tagasuporta ng ISIS ay hindi pa rin sila magiging kampante.
Kasabay nito ay mahigpit nilang babantayan ang pagdiriwang ng Pasko lalo’t ito ang kadalasang sinasamantala ng mga kaaway ng gobyerno.