JHOMEL SANTOS
IPINAUUBAYA ni Pang. Rodrigo Duterte sa lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon kaugnay sa pagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa kani-kanilang nasasakupang lugar.
Ayon kay Pang. Duterte, bagaman nais niya sanang makaiwas sa pinsalang dulot ng paputok lalo sa mga kabataan ay ang local government units na ang bahala sa pagtugon kung papayagan nito ang paggamit ng mga paputok.
Ito ay dahil hindi naman anya iligal at wala namang nilalabag na batas ang paggamit ng mga paputok.
Sa kabila nito ay tinitingnan din ng Pangulo ang posibilidad na bumalangkas ng batas upang ipahinto ang pagbebenta ng paputok upang tuluyang matuldukan ang taun-taon na disgrasyang dulot nito,
Magugunitang noong 2017 naglabas ng executive order ang punong ehekutibo na naglilimita sa paggamit ng mga paputok.