MELROSE MANUEL
PINAGMUMULTA ng NBA ng $35,000 ang Detroit Pistons forward na si Markieff Morris.
Ito ay pagkaraang nakapagsalita ng hindi tama ang manlalaro sa isang game official.
Nangyari ang insidente sa naging pagkatalo ng Pistons kontra sa Philadelphia noong nakaraang Sabado na nagtapos sa score na 117-111 pabor sa 76ers.
Sa kabila nito ay humataw naman si Morris sa naging laro nito at nakapagpuntos ng kaniyang season-high 17 points at 6 rebounds.