TINGOG Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez
MJ MONDEJAR
IPINANAWAGAN ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez sa liderato ng kamara partikular na kay House Speaker Alan Peter Cayetano na gawing prioridad ang modernization program sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang panawagan ay ginawa matapos tumagal ng 17 oras ang nangyaring sunog sa isang mall sa Tacloban City dahil sa kawalan ng modernong kagamitan ng Fire Bureau doon.
Ayon kay Romualdez, sa 143 LGUs sa Eastern Visayas, 26 dito ang walang fire trucks at wala ring fire stations at kung mayroon man ay mga luma at karagkarag na ang mga pamatay sunog.
Dahil dito, nais ng kongresista na matayuan ng fire stations at mabigyan ng makabagong firefighting equipment ang bumbero sa mga kanayunan.
Hiniling din nito na magkaroon ng safety equipment ang mga bumbero lalo’t pa’t delikado ang buhay nila kapag sumusuong sa sunog.